100-Anyos na Lola sa Mandaue, Nakatanggap ng P100,000 Centenarian Gift!

 Ang Republic Act 10868 o mas kilala bilang Centenarians Act of 2016 na nilagdaan noong 23 Hunyo 2016 ay nagbibigay ng karapatan sa lahat ng Pilipinong umabot sa 100 taong gulang pataas, naninirahan man sa Pilipinas o sa ibang bansa, ay makakatnggap ng liham ng pagbati mula sa Pangulo ng Pilipinas at isang “centenarian gift” na nagkakahalaga ng Php 100,000.




Ang Commission on Filipinos Overseas (CFO) ay ang focal agency na namamahala sa pakikipag-ugnayan sa mga centenarian na aplikante na nakabase sa ibang bansa. Ang mga nakumpletong aplikasyon kasama ang mga kinakailangang pansuportang dokumento ay dapat isumite sa pamamagitan ng koreo sa pamamagitan ng Philippine Embassy o Konsulado na may hurisdiksyon sa bansa/lugar.





Isa si Lola Eleuteria Porlas o mas kilala bilang Inse Teria sa mga centenarians na nakatanggap ng P100,000 mula Mandaue City Government.




 



Si Inse Teria ay naninirahan sa Brgy. pagsabungan, Mandaue City at isinilang noong Abril 18, 1922.

Sa mga larawan ay makikitang sa kabila ng kanyang edad ay malakas pa si Inse Teria at nakikinig sa pagbati ng mga lokal na opisyal.



Nagpasalamat naman ang kanyang mga kapamilya sa natanggap na centenarian gift, na ayon sa mga ito ay malaking tulong sa mga pangangailangan ni Inse Teria.

Comments

Popular posts from this blog

Isang 80-anyos na barber, ayaw itapon ang kaniyang barber’s chair dahil sa sentimental value nito