5 Rescuer sa Bulacan Nasawi habang Tumutulong sa mga Nasalanta ng Bagyo | Rest In Peace Sa Ating Mga Bayani

 Nasawi ang limang rescuers sa Bulacan, habang ginagampanan ang kanilang tungkulin sa kasagsagan ng baha sa Sitio Galas, Barangay Kamias, San Miguel, bunsod pa rin ito ng pananalasa ng Bagyong Karding.



Kinumpirma ni Daniel Fernando, Gobernador ng Bulacan, kung saan limang personnel ng PDRRMO (Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office) ang inanod ng baha at nalunod, habang nagsasagawa ng kanilang rescue operations.


SUGGESTED NEWS




Sino ang may diabetes, basahin agad!

Gluco Pro


Isang madaling paraan upang matigil ang diabetes magpakailanman

GlucoPro


Gawin ito bago matulog at tuluyang mawawala ang diabetes!

Diabextan


Diabetes? Subukan ito bago matulog!

Insulux


Kinilala ang limang magigiting na rescuer, na sina George Agustin, Narciso Calayag Jr., Troy Justin Agustin, Jerson Resurreccion at Marby Bartolome.



Nasira umano ang kanilang sinasakyang truck kaya naman gumamit na lamang sila ng isang rescuer boat patungo sa sa kanilang destinasyon, kung saan sila magsasagawa ng operasyon.


recommended by




RTBS OFFER

Divorced? Dating site for people over 40+

FIND OUT MORE


Isang pader ang gumuho at tumama sa sinasakyang bangka ng limang rescuer, na dahilan upang maanod at malunod sila sa baha.


Magkakahiwalay namang natagpuan ang mga labi ng mga bayaning rescuer sa mga lugar ng Sitio Galas, Kamias, San Miguel, Bulacan.



Tiniyak naman ng Gobernador ng Bulacan, Daniel Fernando, na magbibigay sila ng tulong sa mga pamilya ng nasawing mga rescuers. Iniutos na rin niya ang pag autopsy sa mga labi upang makumpirma kung nakuryente ba ang mga ito pag kataob ng bangka.

Comments

Popular posts from this blog

Isang 80-anyos na barber, ayaw itapon ang kaniyang barber’s chair dahil sa sentimental value nito