83-Anyos na Lola, Nakapagtapos ng High School at Natupad Ang Pangarap na Makapagsuot ng Toga
“Dream come true” ang nangyari sa isang Lola sa Samar nang makapagsuot siya ng toga. Siya ay si Lola Corcondia Relleta, 83-anyos na nangarap noon na makapagsuot ng toga. Kaya naman kahit na matanda na ay pinilit pa rin niyang mag-aral. Nag-enroll si Lola Cordondia sa high school sa pamamagitan ng ALS o Alternative Learning System.
Ayon sa kanyang apo na si Gorgie Udani Relleta, pangarap ng kanyang Lola Cordondia na makapagsuot ng toga. Baliwala man ito sa iba ngunit kay Lola Cordondia ay mahalaga at malaking bagay ito para sa kanya.
Comments
Post a Comment