Estudyante Nagdala ng Kabaong sa “NO BAG’S DAY” !
Isang estudyante ang nanalo sa pagiging sobrang creative nito sa “No Bag Day Challenge”, at nabigyan ng award ng kanyang teacher, P50 (Fiftypesos) na cash at isang certificate na may nakasulat na “Most Expensive Bag Award”, dahil ang dala nitong bag ay isang maliit na kabaong o ataul na kulay puti.
Siya si Alexander Troy Mariano, binansagang ” The Big Winner ng #NoBagChallenge” na trending ngayon sa Tiktok, siya rin ay estudyante ng Juan R. Liwag Memorial High School sa Gapan City, Nueva Ecija. Ikinabigla ito ng kanyang guro at mga kaeskwela, Bagong bago naman ang kanyang dalang ataul dahil galing pala ito sa kanyang lola, na nagmamay-ari ng purinarya sa kanilang lugar.
Paano ko natanggal ang aking soryasis. Kwento basahin dito
Psolixir
Marami ang naaliw sa kakaibang dala ni Alexander ngunit marami rin naman ang hindi natuwa at negatibo ang kanilang naging reaksyon, dahil nagpapaalala raw ito sa kanila ng pagpanaw ng kanilang mga mahal sa buhay, lalo na sa mga batang namayapa na.
“Sa lahat ng nakita ko ito ang pinaka panalo!”
“I know its for fun lang pero nalungkot ako pag kakita ko sa size ng kabaong naalala ko yung first baby ko na nawala… nag 1 year death annjv sya kahapon hays I really miss my angel.”
“Ito yung pinaka hindi nakakatuwang joke.”
“Nakakalungkot ang ganyang kabaong, masakit mamatayan ng anak.”
Ito ay ilan sa mga reaksyon ng mga netizen sa ginawa ni Alexander.
Comments
Post a Comment