Hinirang na mga Bayani ang 5 Rescuers sa Bulacan

 Nito lamang linggo, September 25, 2022, ay tumama sa ating bansa ang isa sa pinaka malaki at pinaka malakas na bagyo, ito nga ay ang Bagyong Karding na tumama sa malaking kalupaan ng Luzon, marami at malaki ang mga naiwang pinsala nito at mayroon ding mga nasawi sa kasagsagan ng bagyo.




Nakapag Live pa sa Facebook ang isang rescuer na si George Agustin, nakasakay sila sa truck at papunta sa rerespondehang lugar. “Hintayin ninyo kami, San Miguel.” isa sa mga huling niyang salita bago ang sakuna.


SUGGESTED NEWS




Sino ang may diabetes, basahin agad!

Gluco Pro


Isang madaling paraan upang matigil ang diabetes magpakailanman

GlucoPro


Gawin ito bago matulog at tuluyang mawawala ang diabetes!

Diabextan


Diabetes? Subukan ito bago matulog!

Insulux

Nasawi ang limang (5)  rescuer ng PDRRMO (Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office), na tutulong sana sa paglikas ng mga residente sa Camias, San Miguel Bulacan, Kinilala ang mga bayani na sina George Agustin mula sa Calumpit, Troy Justin Agustin mula sa Guiguinto, Marby Bartolome mula sa Malolos, Jerson Resurreccion mula sa Sta.Maria, at si Narciso Calayag.

“Sa kanilang paghahanda ng life boats ay rumagasa ang flash flood sa kanilang lokasyon na nagpaguho ng isang pader at siyang dahilan ng pagdaloy ng tubig baha na umanod sa ating mga rescuers,” pagku kwento ni Alex Castro


recommended by




RTBS OFFER

Divorced? Dating site for people over 40+

FIND OUT MORE

Pinarangalan sila ng Gobernador ng Bulacan, Gov. Daniel Fernado, ang mga rescuer bilang mga Bayani ng Bulacan, dahil sa tapat nilang pagsisilbi sa bayan at kahit kanilang buhay ay itataya para sa kanilang mga mamamayan.



Ibibigay ang lahat ng benipisyo ng limang magigiting na rescuer sa kanilang mga pamilyang naiwan. Magbibigay din ng personal na tulong pinansyal si Gov. Fernando, para sa mga pamilya at mga kailangan sa paglilibing sa mga ito.



“Sa ngalan ng lalawigan ng Bulacan, ako ay taus-pusong nagpapasalamat at ikinararangal ang kanilang ipinamalas na kabayanihan at matapat na pagtupad sa kanilang tungkulin, sukdulang isakripisyo ang kanilang sariling buhay,” saad ni Gov. Daniel Fernando.


CHECK THIS OUT




Isang madaling paraan upang matigil ang diabetes magpakailanman

GlucoPro


Sino ang may diabetes, basahin agad!

Gluco Pro


Gawin ito bago matulog at tuluyang mawawala ang diabetes!

Diabextan

“Kulang ang mga salita upang ipahayag ang aking kalungkutan sa naganap na trahedya sa ating mga kasamang rescuers ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office,” dagdag pa nito.



Sinabi naman ni Alex Castro na nararapat lamang na pormal na kilalanin ang kabayanihan ng limang rescuer.


Comments

Popular posts from this blog

Caridad Sanchez, Nagagawa Pang Tumakbo at Mag-Boxing sa Edad na 89