Kris hindi na kinakaya ang sakit, Bimby napahagulgol
Nagbigay ng update si Kris Aquino sa kanyang IG account tungkol sa kondisyon niya.
Nag-post siya ng video kung saan mapapanood ang ilang pinagdaanan niyang treatment sa Amerika.
Makikita ring kasama niya ang mga anak na sina Bimby at Josh.
Aminado si Kris na napakaraming pinagdaanan ng kanyang katawan at minsan ay napahagulgol na siya dahil sa sakit.
Masisilip din sa video na humpak na ang mukha ng Queen of All Media habang namumugto rin ang mga mata ng bunsong si Bimby na tila galing sa pag-iyak.
“I had to do this corticosteroid challenge which unfortunately caused me to have unbelievable body pain (yes even worse than my bone marrow aspiration when we found out i’m allergic to all forms opioids)… The opposite happened to me. 1st hives started multiplying, then my body started to hurt all over – normally my pain tolerance is impressive but this time bunso started sobbing,” ani Kris sa open letter niya para sa namayapang kapatid na si dating pangulong Noynoy Aquino.
“I was sedated from Saturday, May 7 until May 11 because my pain was just so hard to endure. I do remember that i cried to bimb and said to please come home,” patuloy niya.
Kris hindi na kinakaya ang sakit, Bimby napahagulgol
Comments
Post a Comment