Mag-asawa, nakapagpatayo ng sariling kumpanya na datiý halos araw-araw noodles at de lata lang ang inuulam

 Tunay na kay sarap sa pakiramdam na mayroon kang katuwang sa lahat maging kalugmukan o katagumpayan. Kahit isang tao lamang ang naniniwala sa iyo, sapat na itong maging inspirasyon mo pa din ito upang magpatuloy.


Ang kahirapan sa buhay ay hindi maiiwasan. Kadalasan, ang mga taong nagsisimula sa hirap ay siyang umaangat kapag nagbunga ang lahat. Hindi natin masasabi ang mga maaaring mangyari ngunit maaari pa din nating subukan at huwag sukuan.



Kagaya na lamang ng mag asawang ito na kung saan nakaranas ng kalugmukan sa buhay ngunit isa na ngayong matagumpay. Kagaya ng iba, ang tanging sikreto lamang ay ang pagiging matyaga, masipag, pagtitiis, pagpapatuloy at pananalig.


Nakilala ang mag- asawa bilang sina George at Chin. Dati ay isa lamang minimum wage earner si Chin sa kaniyang pinagtatrabahuhan at si George naman ay nagbebenta ng kung ano- anong pagkain kagaya na lamang ng hotdog buns, siomai, pizza rolls at iba pa upang makadagdag sa kanilang pambayad at panggastos.


Dahil sa kagipitan at liit ng perang nahahawakan, naranasan nilang mag ulam ng halos araw- araw ng pancit canton at corned beef. Bukod pa doon, sila ay minaliit ng mga tayo dahil sa kanilang kalagayan.

Comments

Popular posts from this blog

Caridad Sanchez, Nagagawa Pang Tumakbo at Mag-Boxing sa Edad na 89