Moira dela Torre, Ibinunyag Ang Tunay Na Nangyari Sa Kaniyang Ilong
Kasunod ng mga spekulasyon tungkol sa totoong dahilan ng nangyari sa kaniyang ilong, nagsalita na din sa wakas si Moira Dela Torre para linawin ang issue.
Sa nagdaang presscon para sa kaniyang concert na Braver, ibinunyag ni Moira sa entertainment press na siya ay nasa proseso na ng recovery mula sa nangyaring insidente sa kaniya.
Ani ng singer,
"I’m still recovering. There’s still a lot of things [to be done], but I’m 85 percent well."
Hindi naman na nagbigay pa ng ibang detalye si Moira sa nangyari. Isiniwalat din ng multi-awarded singer na umabot sa punto na nagka-necrosis o nabulok ang kaniyang ilong.
Saad ni Moira,
"Well, basically, may nagkamali. And my nose went on necrosis. And it was a very simple procedure. It’s non-invasive. But it went wrong. Hindi po siya naagapan agad because we had no idea what was happening. I was at high risk of being blind, of aneurysm, of heart attack, and str0ke."
Ang necrosis ay isang proseso na kung saan ang cells at tissue ay namam4tay o sa madaling salita ay nabubulok. Marahil ito din ang dahilan na lubos na naapektuhan sa pag-judge niya sa Idol Philippines.
Ibinahagi din ng "Malaya" singer na siya ay nagpagaling sa kanilang bahay sa loob ng tatlong buwan dahil sa nangyari.
Aniya,
"And for three months, I was at home recovering ‘cause I was on house arrest. But I’m better now. God is Good. I’m 85% healed but I’m 100% healed internally. I feel like this whole season made me so much better."
Sa kabila nito, sinabi ni Moira na hindi na siya magsasampa ng kaso laban sa medical practitioner na nagsagawa ng damage at sinabing napatawad na daw niya ito.
Comments
Post a Comment