Traysikad Driver, Nagtapos Bilang Magna Cum Laude!
Siya si Jerson Entrampas Aboabo, labis na hinahangaan dahil sa kanyang sipag at dedikasyon sa buhay. Pinagsasabay ni Jerson ang paghahanapbuhay bilang isang traysikad driver at pag-aaral. Nagtapos si Jerson bilang Magna Cum Laude sa kursong Bachelor of Secondary Education Major in Filipino sa Mindanao State University-Iligan Institute of Technology.
Ang kanyang mga naipong pera sa pag-traysikad ay ang naging dahilan siya ay makapagtapos ng pag-aaral. Plano niyang kumuha ng Masteral’s Degree sa AB Panitikan upang maging college professor.
Comments
Post a Comment